Friday, December 12, 2008

Manny Pacquiao: bayani mula sa tradisyon ng sinaunang pamayanan?



Bayani o Datu?

Isang malaking palaisipan sa marami ang katayuan ngayon ni Pacquiao..

Sabi ng kaibigan ko, Prop. Salustiano Macatangay Jr. ng UST, "Hindi na mandirigma si Pacquiao..., isa na siyang Datu." Nagitla ako sa sinabi niya.

Kung titingnan ang kasaysayan ng Pilipinas sa panahon ng pagbubuo ng sinaunang pamayanang Pilipino, maituturing siyang mandirigma, bayani at Datu. Ang mandirigma bilang bahagi ng balangay ay may napakahalagang papel sa isa sa mga klase ng ating sinaunang lipunan. Katungkulan niyang ipaglaban ang bayan at itaya ang buhay para sa "ikalalaya o ikatitimawa ng bayan".

Bilang bayani, katungkulan naman niyang maging bahagi ng pamayanan at ialay ang buhay para sa nakararami. Matinding sakripisyo ang hinihingi rito, kasama ang pagkakait sa sarili.

Bilang Datu, tinitingnan siyang pinuno ng bayan at karangalan din. Sa kanyang pagkakapanalo laban kay Oscar De la Joya na ginanap noong ika-6 ng Disyembre, 2008 sa Las Vegas, Nevada, USA; lalong tumibay ang pag-asa ng maraming Pilipino sa pagsulong ng bagong pag-asa at kadakilaan...


Minnesota Mansion, Cubao, QC.

No comments:

Post a Comment